NABANGGIT ni Gary Valenciano sa Gary V Presents at Newport Performing Arts Theater in Resorts World, The Repeat nitong Martes, December 15 na humahanga siya sa ginawa ng anak niyang si Paolo Valenciano para ipagtanggol ang kapatid nitong si Gab Valenciano sa bashers nang magpahayag ito na hindi nito susuportahan si Davao Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapresidente ng Pilipinas sa 2016 dahil sa isyung moralidad.
Sabi ni Mr. Pure Energy, natural lang na ipagtanggol ni Paolo ang kapatid maski na wala sa bansa at sa ganitong sitwasyon daw nasusukat ang pagkakaisa ng mga Pinoy o ng pamilyang Pilipino.
Saka kinanta ni Gary ang awiting, Galing ng Pilipino na sinulat ni Jonathan Manalo para sa TFC 20th anniversary at nagtayuan ang halos lahat ng mga tao sa venue at sinasabayan siyang kumanta.
Sinamantala namin ang pagkakataon na makapanayam si Paolo, at tinanong tungkol sa pagtatanggol niya kay Gab.
“Well, I was very vocal about it online, hindi rin naman ako nag-agree sa lahat ng sinabi ng brother ko, sobra ‘yung response ng tao,” sagot ni Paolo.
“Nu’n nakita ko ‘yung response ng tao, I went through his (Gab) message again and actually, there were two status, ‘yung una, ang daming nagalit talaga, ‘yung pangalawa, hindi alam ng tao na kaya ginawa niya ‘yung second message as a response to the backlash.
“And the backlash was very bad, even ‘yung ibang mga supporters ni Duterte parang pinagsasabihan siya ng sobra naman na kapag pumunta ng Davao babarilin daw siya. Parang ‘yung isa, sabi, ‘sana raw ma-rape ‘yung asawa ni Gab’ para raw ma-appreciate ‘yung sinasabi ni Duterte.
“So, yung mga followers ni Gab like my cousins who were 15 years old, siyempre mababasa nila ‘yung ganu’n messages sa IG niya, so I have to say something.
“Even though I didn’t agree in everything he said, it’s my family, eh. So kailangan kong i-defend ang pamilya ko, whether he’s right or wrong. Kung sobra naman ‘yung response, bastos talaga ‘yung mga tao, kailangan ko talagang ipagtanggol,” mahabang paliwanag ni Paolo.
Nabanggit ni Paolo na gusto niya talaga si Duterte.
“To be honest, sinabi ko na gusto ko talaga si Duterte. Sabi ko nga, kahit hindi ako sang-ayon sa lahat ng sinabi ni Gab, hindi puwedeng tatahimik ako at binabastos na ang pamilya ko.”
Hindi rin nagustuhan ni Paolo ang pag-ungkat sa isang isyu na matagal ng nabaon sa limot.
“Parang sinasabi pa ng ibang supporters itong nangyari between my Tita (Felichi), my dad and my mom (Angeli) na ‘yung affair ng dad and mom ko na parang na-discover bigla ‘yung information na ‘yun, eh, they’re been open-up ever since. So, parang ano ‘yung sinasabi na because of this, itinatago raw namin ‘yun?
“Eh, mali pa ‘yung info nila, sinasabi, si Gab daw ‘yung fruit ng sins ng parents ko, eh, ako ‘yun, eh,” sabay tawa ni Paolo. “Akala nila siguro nila mas matanda si Gab sa akin.”
Apektado na ba ang pamilya nila sa isyung ito?
“We don’t talk really about it so much, but I know that they were affected only because maraming bastos na response, even like sina Carlos Celdran, Ramon Baustista ‘pag nakita mo ‘yung mga comments about them, parang sobra naman.
It’s too much and you know, I don’t wanna generalized na lahat taga-Davao, kasi nga ang dami rin namang supporters na hindi taga-Davao and true enough alam mo, pinagmumura kami ‘tapos ‘pag tinignan mo naman ‘yung account nila, from Manila from Bicol, so we can’t generalized na lahat taga-Davao.
“And I think, that’s one of my mistake na online sinabi ko na some Davaoeños nagalit sila sa akin at pinagmumura rin ako. Sabi nila, nag-generalize daw agad ako na because supporters ni Duterte automatically from Davao.
“So right now, I’m very careful with what I’m saying, I’m not generalizing. Pero like to the people on line, it doesn’t matter who you’re supporting, whether for Mar, Duterte, Binay, kung mali ka, mali ka, kung bastos ka, bastos ka, and they should not be defensive na ganu’n.
“Kasi mayroon din namang supporters si Mar na bastos din, mayroon din si Binay na bastos din, so ‘yung sinasabi na pinag-iinitan daw namin si Duterte which (not true). Like I said, I really like him as I said before.
“One thing din na sobrang na-frustrate ako is Davao is one of my favorite province in the Philippines ‘tapos ganu’n ‘yung naging response sa amin. So, medyo nakaka-frustrate,” kuwento pa ng panganay nina Gary at Angeli.
Nabanggit ng rakista cum director na madalas silang magkaroon ng gig sa Davao.
“Ako, marami akong gig sa Davao, siguro mga 4 or 5 times na akong nag-perform sa Davao and always a good response, always a good crowd, so medyo nakaka-heartbreak din. Pero I feel na this time, next year hopefully, okay na kami,” natawang sabi ni Paolo.
Hindi itinanggi ni Paolo na apektado siya sa death threats sa pamilya nila.
“A lot of people were saying na baka empty threaths lang siya, mga trolls lang ‘yung nanggaganu’n. Honestly, nu’ng nag-backlash sa akin ‘yung Davao at supporters ni Duterte, kasi maraming taga-Davao talagang nagalit sa akin, talagang nakakatakot siya, to walk around in public.
“Kasi hindi mo alam kung sino ‘yung nagtu-tweet ng ganu’n kahit sabihin mong empty threats siya, hindi mo alam baka bigla akong sampalin, suntukin o basagin ‘yung window ng kotse ko or something, ‘yun ‘yung nakakatakot.
“And because he has many supporters, it’s scary. So when I saw the response, those threats to him (Gab), I’m afraid for that,”pagtatapat ni Paolo.
Nasa Los Angeles, California si Gab kaya hindi nito kailangan ng bodyguard.
“He doesn’t need that, but I texted his wife na and I said na’ baka for our safety, puwede muna siyang mag-cool down first, this is not the very safe time, were not immune for everything what’s going on right now,” pag-amin ulit ni Paolo.
Nabanggit din Paolo na wala kasing kinatatakutan si Gab kahit noong mga bata pa sila.
“Si Gab kasi hindi natatakot sa kahit na ano, that’s why he posts so many things, even when he was here. It’s his personality kasi, hindi siya natatakot, not like me, ako kasi laging natatakot. I don’t think because he’s in LA, so hindi niya na-expect na how big or how serious the situation ang (ginawa) niya.
“His heart is in a good place, so even though marami siyang sinasabi, he’s heart is in a good place and I think people should respect that he has his own opinion. Kasi ‘yung response naman ni Gab is based on what Duterte been saying,” sabi pa ni Paolo.
Botante at nakapag-biometrics na si Paolo at plano nga raw sana niyang iboto si Duterte, pero sa nangyayari, “Honestly po, hindi ko po alam. Honestly I like Duterte, pero the recent interviews at lumabas sa new… Let’s put it this way, na I’m confused right now. I’m doing some research to all the candidates, mahirap, mukhang challenging itong election na ito,” pagtatapos ni Paolo. (REGGEE BONOAN)