MAKATO, Aklan - Isa ang namatay habang nasa 20 naman ang nasugatan matapos na magkabangaan ang isang tourist shuttle bus at isang jeepney sa Barangay Dumga sa Makato Aklan.

Sa eksklusibong panayam sa driver ng jeepney na si Joel Talaoc, 41, nangyari ang aksidente dakong 9:00 ng umaga nitong Martes, habang nasa Signal Number 1 ang lalawigan.

Ayon kay Talaoc, bumaligtad ang bus sa highway dahil sa lakas ng impact ng aksidente.

Kaagad namang sumuko sa Makato Police ang driver ng shuttle bus, na masuwerteng walang sakay nang mangyari ang aksidente. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito