KRIS AT BIMBY_please crop the big one copy new

TAPOS na ang shooting ng All You Need is Pag-ibig at may sorpresa sina Kris Aquino at Bimby dahil namigay sila ng pamasko sa buong staff at crew ng Star Cinema.

Tama ba ang nakita namin na envelope ang hawak ng staff and crew? Ang ibig sabihin, datung ang pamasko ng mag-ina para sa naghirap na tapusin sa tamang oras ang kanilang MMFF entry.

As of Tuesday, may sakit pa rin si Kris at wala pa rin siyang boses, kaya sa pagsulat siya nakikipag-communicate sa mga kasama niya sa bahay. Natawa kami sa post niya na sa kadaldalan niya, kapag tulog lang siya tahimik.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nananalig daw si Mico del Rosario, ad-prom head ng Star Cinema, na magaling na siya at may boses na sa weekend dahil naka-schedule siyang mag-promote ng All You Need is Pag-ibig sa It’s Showtime sa Saturday at sa ASAP naman sa Sunday.

Kailangan ding gumaling si Kris para makapag-taping siya ng Christmas at New Year episodes ng KrisTV.

Samantala, naging senti na naman si Kris nang marinig ang mga papuri kay Bimby ng mga nakatrabaho sa All You Need is Pag-ibig.

Post ni Kris sa Instagram (IG): “Baka effect ng gamot, teary eyed again, the greatest compliment I ever receive, and my most appreciated is when I hear how kindhearted, malambing, lovable and sweet Kuya & Bimb are. #Love #Family

(Our home life isn’t ideal & it is unconventional & challenging, but God gave me the sons my heart needed to feel complete, and they are my everything beautiful, wonderful, and fulfilling!)

“Sa pagse-senti baka maligaw pa boses ko, eh, pabalik na. Good night.” (NITZ MIRALLES)