ROME (AFP) — Nag-demand ang European Commission noong Martes sa Italy na gumamit ng puwersa kung kinakailangan para makuhanan ng fingerprint ang mga dumarating na dayuhan matapos ilunsad ang legal action laban sa bansa sa kabiguan nitong mairehistro ang lahat ng mga bagong dating sa EU-wide database.

Kinailangang bumuo ang Italy ng “more solid legal framework” para bigyang daan ang “use of force for fingerprinting and to include provisions on longer term retention for those migrants that resist fingerprinting”, saad sa pahayag ng commission.

Sinimulan ng European Commission nitong linggo ang legal proceedings laban sa Croatia, Greece at Italy sa pagkabigong mairehistro ang lahat ng mga dayuhan sa Eurodac database sa unang pagtuntong ng mga ito sa kontinente.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na