FFN_IMAGE_50873833|FFN_SET_60053452

HINDI napigilan ni Taylor Kinney na humanga sa kanyang fiancée na si Lady Gaga. Isiniwalat ito ng 34 taong gulang na si Kinney sa The Insider With Yahoo habang ipino-promote ang kanyang bagong horror flick, ang The Forest.

“I think you just kind of calm down a little. I think some of the noise subsides,” pahayag ni Kinney. “I’m just excited.” 

Bagamat wala pang eksaktong petsa ng pagpapakasal, sinisiguro ni Kinney na ang kanyang mapapangasawa ay ang pinakamagandang babae sa araw na iyon. “I’m sure she will come up with something amazing, something fancy,” aniya nang tanungin tungkol sa wedding dress ng kanyang fiancée.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi rin naitago ng Chicago Fire star ang kanyang pagmamalaki sa mapapangasawa nang malaman niyang nominado ito sa Golden Globe sa kanyang papel na ginampanan sa American Horror Story: Hotel. “I couldn’t be more proud,” nakangiti niyang pahayag. “To see her take off and really embrace it, yeah it’s pretty amazing.” (The Insider)