IPTL_MOA_11_KevinDelaCruz_120915 copy

Tinanghal na Sportsperson of the Year si Serena Williams ng Sports Illustrated magazine kung saan siya ang kauna-unahang babaeng atleta na ginawaran ng nasabing parangal sa loob ng halos 30 taon.

Si Williams ay nagkaroon na rin ng parangal sa first calendar- ang year Grand Slam mula noong 1988, kung saan malinis ang kartada nito sa semifinal sa U.S. Open.

Sa kabuuan, ang 34-anyos na American tennis player ay nagtala ng 53-3 noong 2015 at mayroon siyang nakuhang limang titulo, kabilang na ang sa Australian Open, French Open, at Wimbledon. Si Williams ang nasa No. 1 post sa WTA rankings sa lahat ng season.

Trending

Freelance delivery rider na putol ang isang kamay, tuloy ang arangkada sa kalsada

“She was the most deserving person for the award. She had an amazing year. The way she won her events; the fact that she’s done this for so many years at such a high level,” ang pahayag ni Paul Fichtenbaum, editor ng Sports Illustrated Group. “She was a terrific candidate in a year of terrific candidates.”

Ang anunsiyo ng Sports Illustrated noong Lunes ay nagbigay ng kakaibang pangalan sa SI award; sa mga nakalipas na taon ito ay lagi na lamang Sportsman at ngayon ay naging Sportswoman of the Year dahil kay Williams.

“We just felt this was a natural evolution. ... We’re not making a huge deal out of it,” ang paliwanag ni Fichtenbaum. “It just feels like the right time to make the change.”

Ang runner na si Runner Mary Decker noong 1983 ang unang babaeng atleta na nakakuha ng award sa nabanggit na magazine. (Abs-Cbn Sports)