julieann copy

INIRESPETO ng mga tao sa backstage ng Sunday Pinasaya (SP) last Sunday ang pagyayakapan nina Maine Mendoza at Julie Anne San Jose.

Walang kumuha ng picture o video kaya hindi nai-record ang nangyaring iyon. Si Maine ang unang lumapit at nag-apologize kay Julie Anne, na napaiyak naman. Until nai-post ni Gladys Guevarra sa Twitter ang nakita at clueless siya na may nangyayari pala between Maine and Julie Anne, sabi niya: “So nice of Maine, napaka-humble, I just saw her hugging Julie, apologizing.”

Sa isa pang tweet: “Bebe Julie Anne crying, smile ka na.” 

Mga Pagdiriwang

BALITAnaw: Ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar

Nagkataong nasa studio rin kami nang maganap iyon.

Naisulat na ang pinagmulan ng pangba-bash kay Julie Anne ng AlDub Nation ay ang pagkakamali sa pagsagot ni Direk Rich Ilustre ng SP sa tweet ng isang fan. Pero nang ma-realize ng director ang pagkakamali niya, nag-apologize siya kina Alden, Maine at Julie.

May mga nang-bash kay Gladys sa tweet niya na parang hindi sila naniniwala na ginawa iyon ni Maine. Nang kumpirmahin namin na totoo ang tweet ni Gladys, may mga naghanap naman ng picture o video sa amin. 

Sagot namin, inirespeto ng mga tao sa studio ang pangyayari kaya walang picture o video. May mga natuwa naman na nag-tweet na hindi na kailangan ang picture or video, tama na raw na confirmed ang pangyayari dahil iyon ang ini-expect nila sa paggi-guest ni Maine sa SP para sa promotion ng My Bebe Love.

Tama raw na wala nang proof dahil marami namang nakakita, kung may picture baka sabihing pang-showbiz lang iyon. May mga nag-wish din na sa pagyayakapan nina Maine at Julie Anne ay tumahimik na rin ang mga nanggugulo sa kanila.

Pumasok din sa dressing room ni Maine si Kris Bernal na guest naman para sa Final Four ng Starstruck 6 na guest sa show. Nag-request siya ng shoot with Maine na dali-dali namang tumayo at umakbay pa kay Kris. 

Matatandaan na na-bash din si Kris ng fans nang mag-post siya ng picture na magkasama sila ni Alden nang papunta sila sa Camarines Sur. Nai-post agad ni Kris sa Instagram account ang picture nila ni Maine with a caption: “Gothic and chic. Little Nanay (her soap sa GMA-7) meets Yaya Dub. I gushed at her for a bit about how amazingly she is! I screamed and freaked out for a minute after the photo was taken. She’s so pretty, prettier in person. Very accommodating. One of the reasons why she is so loved by many. Thank you @mainedcm!”

Samantala, biru-biruang hindi naman napagod ang AlDub Nation sa panonood ng apat na show last Sunday sa GMA-7, Sunday Pinasaya, Vampire Ang Daddy Ko, Kapuso Mo Jessica Soho at Reel Time sa GMA News TV na guest ang AlDub.

Samantala, marami ang nagtatanong kung kailan magkakaroon ng mall show ang My Bebe Love. Matagal na raw nilang hinihintay na magkasama sina Alden at Maine sa isang mall show. 

Last week kasi, ang nag-promote sa Alabang Town Center sina Ai Ai delas Alas at Alden, hinanap nila si Maine na may shoot ng isang online commmercial. Wala rin si Bossing Vic Sotto dahil nasa Hong Kong kasama ang bride-to-be nitong si Pauleen Luna.

Ayon sa aming source, walang mall show ang cast sa Metro Manila, suwerte ang mga taga-Cebu, dahil bukas (December 17), magpu-promote doon ang cast ng My Bebe Love at sa Biyernes (December 18), nasa Davao City naman sila.

Babalik ng Manila ang buong cast sa Sabado para mag-promote sa Eat Bulaga, the last day na live ang noontime show.

Sa December 21 ang premiere night nila sa Cinema 9 & 10 ng SM Megamall at sa December 23 ang Parade of Stars na magsisimula sa SM Mall of Asia, lalabas sa Roxas Blvd., at magwawakas sa Quirino Grandstand in Luneta.

Sa December 27, Sunday, ang Gabi ng Parangal ng MMFF na gaganapin sa Kia Theater in Araneta Center, Quezon City.