Rose copy

PUMANAW na si Rose Siggins, ang aktres na gumanap bilang Legless Suzi sa American Horror Story: Freak Show, nitong Sabado sa edad na 43.

Ayon sa TMZ, nagtungo si Siggins sa ospital sa Denver noong Lunes para sumailalim sa kidney stone surgery. Sa kanyang pananatili sa ospital, nagkaroon siya ng impeksyon sa kumalat sa kanyang katawan hanggang sa tuluyan na siyang bawian ng buhay nitong Sabado.

Ibinahagi noon ng aktres, na ipinanganak na may sacral agenesis, ito ay isang spinal deformation na nililimitahan ang paggalaw ng mga binti, ang kanyang kondisyon.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Getting around is slower these days,” pahayag niya sa Huffington Post noong 2012. “A lot of people with disabilities feel that life owes them something, and I was raised in a way that no one owes you a dime. The world doesn’t owe you anything. My personal opinion is, get up and go for it.”

Naulila ni Siggins, na nagbida sa fourth season ng patok na patok na FX show kasama sina Emma Roberts, Jessica Lange, at Kathy Bates, ang kanyang asawa na si Dave at dalawa nilang anak na sina Luke, 16, at Shelby, 9.

Binuo ang GoFundMe account para sa kanyang pamilya. (US Weekly)