Pagkakalooban ang mga Pilipino ng 50 porsyentong diskuwento sa entrance fee sa mga lugar-panturista sa buong bansa.

Ito ang nakasaad sa House Bill 6001 ni Buhay Partylist Rep. Jose L. Atienza, Jr., na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na mabisita ang mga lugar sa bansa na hinahangaan ng mundo sa pamamagitan ng murang entrance fee.

Ayon kay Atienza, dating alkalde ng Maynila, sa pagdagsa ng mga turista, nagtaas ng entrance fee ang mga namamahala sa tourist spots at national parks para sa pagsasaayos at pagpapabuti sa mga pasilidad nito. Dahil dito, hindi makayanan ng mga ordinaryong mamamayan ang magpunta sa mga nasabing lugar-panturista.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“To ensure that Filipinos continue to enjoy access to tourism areas, the bill mandates a 50% discount to all locals on entrance fees at tourism areas all over the country.” aniya. (Bert de Guzman)