Rob Lowe copy

LOS ANGELES (Reuters) – Kabilang na ang pangalan ni Rob Lowe, na sumikat sa mga pelikulang The Outsiders at St. Elmo’s Fire noong 1980s, sa Hollywood Walk of Fame sa Martes.

Siya ay pinarangalan sa harapan ng Musso & Frank Grill, kung saan nagbiro si Lowe, 51, na siya’y “drank many a martini in a previous career”.

Sa seremonya na dinaluhan ni Gwyneth Paltrow, sinariwa ng aktor na sa gulang na 13 ay nakagawa siya ng liham na ipinadala niya sa late film and television producer na si Aaron Spelling, at humingi ng trabaho.

Human-Interest

Tripleng tagumpay! Identical triplets, magna cum laude sa degree program nila

“He wrote back to me, personally, and he said, ‘Hey kid, you can’t really come to the studio without your parents’ permission, number one, and number two, I think one day you might actually have my job’,” kuwento ng American actor.

“Well, Mr Spelling, I never did get your job, but today, I’m right next to you on the Hollywood Walk of Fame,” dagdag ni Robe Lowe.

Sinabi ng Hollywood Chamber of Commerce na ang aktor ang ika-2,567 sa mga pinagkalooban ng bituin sa Hollywood Boulevard.