Mariing itinanggi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na bina-blackmail niya ang Supreme Court (SC) nang magbabala siya hinggil sa posibilidad na maantala o maipagpaliban ang eleksiyon sa bansa sa 2016 dahil sa temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng kataas-taasang hukuman laban sa “No Bio, No Boto” policy ng poll body.

“Wala akong bina-blackmail na kahit na sino,” sabi ni Bautista kaugnay ng akusasyon ni Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon na bina-blackmail niya ang Korte Suprema para bawiin nito ang TRO.

Nagpalabas ng TRO ang SC batay sa kahilingan ng Kabataan Party-list na nagsabing maraming madi-disenfranchise sa eleksiyon kapag hindi naipatupad ang “No Bio, No Boto”.

Sa ilalim ng nabanggit na polisiya, aalisin ng Comelec sa official voters’ list ang mga rehistradong botante na walang biometrics.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

May 2.4 na milyong botante ang maaapektuhan ng naturang polisiya. (Mary Ann Santiago)