Bahagyang tumaas ang singil sa kuryente ngayong Disyembre, inihayag ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon sa Meralco, madadagdagan ng 55 sentimos per kilowatt hour (kWh) o katumbas ng P11 ang singil sa kuryente ng kumokonsumo ng 200 kWh, bunsod ng paggalaw ng generation charge, na tumaas ng P0.046 per kWh kumpara noong Nobyembre.

Nakaapekto rin ang bahagyang paggalaw sa presyo ng kuryente sa WESM na tumaas ng P0.535 kada kWh bunga ng maliit na produksiyon ng mga planta, partikular ang hydro power plants gayundin ang pag-akyat ng iba pang component, gaya transmission charge na inilista sa P0.007/kWh at bayaring buwis, dagdag ng Meralco.

Ngunit, binigyang-diin ni Mr. Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, na mas mababa pa rin ang rate nila kumpara noong nakaraang taon.

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

Binanggit ni Zaldarriaga na nasa P8.605 kada kWh ang rate ngayon mula sa P9.865 kada kWh noong nakaraang taon, o nabawasan ng P1.260 kada kWh.

Ang nasabing rate ay ikaapat sa pinakamababa sa nakalipas na anim na taon.

Sa kabila nito, iginiit ng Meralco na hindi sila kikita sa paggalaw ng generation charge. (Mac Cabreros)