CEU_Prescon_01_Dungo (2) copy

Uumpisahan na ng Centro Escolar University (CEU) ang pagtatanggol sa kanilang titulo sa pagbubukas ng Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) ngayong Sabado.

Inaasahang muling mananariwa ang matinding banggaan sa pagitan ng CEU at Enderun Colleges Inc., sa pagsisimula ng 12th MNCAA na gaganapin sa Rizal Memorial Coliseum.

Agad magtatagpo ang dalawang koponan sa ganap na 10:00 ng umaga matapos ang opening rites na sisimulan ng 9:00 ng umaga.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kasunod nito ang tapatan ng nakaraang taong third placer San Beda College-Alabang at Philippine Women’s University (PWU) ganap na 11:30 ng umaga.

Magtatapos naman ang aksiyon sa opening day sa pamamagitan ng sagupaan ng University of Asia & the Pacific at La Salle College- Antipolo ganap na 1:00 ng hapon.

Tinalo ng CEU ang Enderun noong nakaraang 11th season cage final bukod pa sa pag-angkin ng titulo sa volleyball at table tennis titles.

Sisimulan ng Scorpions ang kanilang title defense sa volleyball kontra UA&P ganap na ikatlo ng hapon matapos ang basketball sa Rizal Memorial Coliseum.

Ang UA&P naman ang defending champion sa tatlo pang event na futsal, badminton at street dance.

Nakatakdang magbukas ang futsal tournament sa Enero 10 , 2016 sa UA&P gym habang sisimulan ang badminton at table tennis sa Enero 31, 2015 sa SBCA grounds.