MEXICO CITY (AP) — Inaprubahan ng Mexican health authorities ang unang bakuna na nakakuha ng opisyal na pagtanggap para gamiting panlaban sa dengue virus, na nambibiktima ng mahigit 100 milyong katao bawat taon, karamihan ay sa Asia, Africa at Latin America.

Sinabi ng federal medical safety agency noong Miyerkules na ang bakuna ay sinubukan sa mahigit 29,000 pasyente sa buong mundo. Ayon dito inaprubahan ng manufacturer ng bakuna ang kaligtasan at pagiging epektibo nito, ngunit hindi binanggit ang pangalan ng droga.

Sa isang hiwalay na pahayag, pinangalanan ng Lyon, France-based Sanofi Pasteur ang bakuna na Dengvaxia.

Sinabi ng Mexico na ang bakuna ay para sa mga taong nasa edad 9 hanggang 45 at gagamitin sa mga lugar na laganap ang sakit.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ayon sa ulat ng World Health Organization na inilathala noong 2014, ang bakuna ay may average rate of effectiveness na 60.8 porsyento sa pagpoprotekta laban sa apat na strain ng dengue.