People Gwyneth Paltrow

NEW YORK (AP) — Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlong lalaki na nagnakaw sa Goop pop-up shop ni Gwyneth Paltrow sa New York City. Nilimas ang mahigit $173,000 halaga ng mga alahas at relo.

Nangyari ang pagnanakaw nitong Sabado ng hapon sa temporary store ng lifestyle website sa loob ng The Shops sa Columbus Circle sa Manhattan’s Time Warner Center. At Sabado ang isa sa pinakaabalang araw ng nabanggit na shop.

Ayon sa pulisya, posibleng gumamit ng matalim na bagay ang isa sa mga suspek upang mabuksan ang isang cabinet na naglalaman ng mga mamahaling paninda habang abala ang mga empleyado sa pag-aasikaso sa iba pang mga customer.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Base sa pahayag ng Goop, ligtas ang lahat ng kanilang customer at empleyado, at nananatiling bukas ang shop “with proper security precautions in place.”

Bukas ang tindahan hanggang Disyembre 24.