VATICAN CITY (AFP) – Inihayag ng Vatican na ang accounting giant na PricewaterhouseCoopers (PwC) ang magsasagawa ng unang external audit nito, habang sinisikap ni Pope Francis na gawing transparent ang mga gastusin at detalye ng pondo ng Holy See.

Magtatrabaho ang PwC “in close cooperation?” sa Secretariat for the Economy ng Vatican, na pinamumunuan ng Australian cardinal na si George Pell.

Nitong Huwebes, sorpresang nakibahagi ang Papa sa pulong ng kanyang economy council upang pasalamatan ang mga miyembro nito at himukin silang ipagpatuloy ang maayos na pangangasiwa sa mga trabahong administratibo at pinansiyal sa Vatican.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'