LUIS AT ANGEL copy

IBINALITA kamakailan sa TV Patrol na may balak nang magpakasal sina Luis Manzano at Angel Locsin kasabay ng kanilang bakasyon sa Las Vegas, USA.

Agad nilinaw ni Luis na walang kasalang magaganap sa kanilang US trip.

“Hindi pa magpapakasal, okay?” sabi ng actor/TV host. “I’m sure uunahan na ‘yan may pakasalan na ‘yan. Hindi, we’re going to Vegas ‘tapos we’re going to Cuba para maiba din.”

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sinabi rin ni Luis na balak nilang maghanap ng doktor na espesyalista sa sakit na disc bulge o spine injury at kung kinakailangang operahan ay agad nilang ipapaopera ang karamdamang nagpapahirap kay Angel.

Umaasa pa rin si Angel na kung sakaling gumaling siya ay may pag-asa pang magampanan niya ang role sa Darna movie, na hanggang ngayon ay wala pang katiyakan kung sino ang papalit sa kanya.

Wala pa ring napipiling gaganap na Darna sa audition na isinasagawa ni Direk Erik Matti hanggang sa ngayon. 

“She’s studied a lot of options and she has one or two in mind. I think we just have to wait and see kung anong mangyari sa operation. Hopefully, if the management hasn’t started (shooting ng Darna), then maybe there’s a good chance,” pahayag ni Luis.

Marami pa rin ang umaasa na kay Angel pa rin mapupunta ang coveted role, na isa sa kanyang mga ipinapanalangin na matupad. 

“I would see a hashtag saying na we would wait for Angel as Darna, that’s not to downplay any of the artists that we have today pero it goes to show that she did a great job bilang Darna, so thank you on behalf kay Angel,” ani Luis. 

(ADOR SALUTA)