Kris copy

CURIOUS kami kung anong mga eksena para sa All You Need is Pag-ibig ang kinunan ni Direk Antoinette Jadaone sa Coron, Palawan na talagang dinayo pa nila kasama si Derek Ramsay at si Kris Aquino na nag-post pa ng picture na naka-bathing suit siya nang nakatalikod.

Ilang araw nang nasa Coron ang Queen of All Media at sa katunayan ay isinabay na niya ang shooting din ng KrisTV nang magkaroon siya ng libreng araw.

Lumipad si Kris kasama ang KrisTV team noong Nobyembre 30 at kahapon (Disyembre 2) lang bumalik ng Maynila.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sa mga post ni Kris at ng mga staff niya, ang ganda-ganda ng lugar ng shooting, parang paraiso. Tinanong namin ng taga-production kung bakit sa Coron ang napiling lugar gayong marami namang ibang beach na magaganda rin at malapit lang sa Metro Manila.

“Iba po kasi ang Coron, ang ganda ng lugar at perfect po ito sa mga taong nag-a-unwind at ‘yung mahilig sa diving,” sagot sa amin.

Kinunan daw ang eksenang ikinayanig ni Kris kay Derek kaya’t abangan daw namin iyon dahil cute ang reaksiyon ng TV host/actress.

Lalo tuloy kaming na-curious kung ano iyon, kaya kinumusta namin si Kris sa shooting at nabanggit pa naming nakapagpahinga siya dahil malayo siya sa ingay ng showbiz at sa polusyon.

At sumagot naman ang KrisTV host ng, “Packed up ng after 4 AM (Martes ng madaling araw), resumed again by 10 (AM), naghahabol ng day effect, pero super beautiful -- as in CINEMATIC talaga.”

Muli naming tinext kung ano ‘yung eksenang kinunan sa kanila ni Derek, pero hindi na niya kami sinagot. Lalo lang kaming nabitin, ‘kaloka! (Reggee Bonoan)