JOSE, WALLY, MAINE, AT PAOLO copy

NAPUNO ng maraming fans ang Eastwood Center sa Libis, Quezon City, sa celebration ng 10th year ng Walk of Fame, ang isang paraan ni German ‘Kuya Germs’ Moreno upang mabigyan ng parangal ang mga individual na sa palagay niya ay karapat-dapat nang mabigyan ng “star” dahil sa kanilang kontribusyon sa showbiz. 

May mga nagkukuwestiyon kay Kuya Germs dahil sa palagay nila ay hindi pa raw time para bigyan ng star ang ilang artista at celebrity. Pero sabi nga ni Kuya Germs, karapatan niya kung sino ang gusto niyang bigyan. Dahil hindi naman aniya sila bibigyan ng ganoong pagkilala kung hindi sila karapat-dapat.

Sa mga gustong makita ang stars sa Walk of Fame ng mga artista, puwede itong puntahan sa activity center ng Eastwood City sa Libis, Quezon City.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tuwing December 1, dinadagdagan ni Kuya Germs ang stars sa Walk of Fame sa Eastwood. Last Tuesday, binuksan niya ang stars nina Eula Valdez, Sunshine Dizon, The Company, Jake Vargas, Buboy Villar (na nagkamit kamakailan ng best actor trophy sa Guam), Enrique Gil, Sam Concepcion, Kara David (ang tanging brodkaster na pinarangalan) at ang mga bida ng kalyeserye ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros (JOWAPAO), Alden Richards at Maine Mendoza.

Hindi na nakaya ni Alden ang karamdaman niya noon pang Sabado, bumigay na siya nang araw na iyon pagkatapos ng Eat Bulaga, kaya si Maine na ang kumuha ng kanyang star trophy.

Ang saya-saya ng awardees na napapatili kapag binubuksan na ang nakatakip sa kani-kanilang star. Sa ilalim ng mga pangalan nila ay naka-embose din ang characters na ginagampanan nila sa kalyeserye, si Wally ay Nidora, si Paolo ay 

Tidora at Jose ay Tinidora, si Maine, Yaya Dub.

Bago ang pagpapasinaya sa stars, isa-isa muna silang kinausap ni Kuya Germs sa stage at nagpasalamat sa kanilang pagdalo. Nang umakyat sa entablado ang JOWAPAO at si Maine, hindi na magkarinigan sa lakas ng tilian. Nag-sorry si Maine na hindi nakadalo si Alden dahil may sakit nga. Siya na raw ang magbibigay ng star ni Alden kapag nagkita sila sa Eat Bulaga.

Salamat Kuya Germs sa pagkilala mo sa ating mga artista, mabuhay ka! (NORA CALDERON)