Patay ang isang 32-anyos na babae habang 11 iba pa ang sugatan nang magkarambola ang anim na sasakyan sa Indang-Alfonso Road, Barangay Banaba Cerca, Indang, Cavite noong Martes ng gabi.

Ang mga sasakyang nagkarambola ay ang Toyota Hi-Ace van, tatlong tricycle, motorsiklo, at Mazda pickup.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Jenilyn Nuestro Mojica, 32, residente ng Barangay Banaba Cerca. Si Mojica ay ideneklarang dead on arrival sa MV Santiago Medical Center sa Trece Martires City.

Nasa kritikal na kondisyon naman nang isugod sa isang ospital si Faith Beco Dingalasan, 11-anyos, ayon kay PO1 Zidney Manglo.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Lumitaw sa imbestigasyon na sinalpok ng Hi-Ace ang isang tricycle na sinasakyan ni Mojica bago tuluyang bumangga ang naturang van sa dalawa pang tricycle at motorsiklo at nadamay ang Mazda pickup habang tinatahak ng mga ito ang Indang-Alfonso Road dakong 7:00 ng gabi noong Martes.

Agad na inaresto ng pulisya ang driver ng Hi-Ace (AAH-8531) na si Noel Callejas Rupido, residente ng Banaba Cerca. (Anthony Giron)