Kritikal ngayon sa East Avenue Medical Center ang isang 48-anyos na ginang matapos siyang hatawin ng dos por dos ng kanyang lasing na asawa makaraang maubusan ang huli ng tanghalian sa kanilang bahay sa Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ni Chief Supt. Edgardo Tinio, Quezon City Police District (QCPD) director, ang biktimang si Marichu Juancito, residente ng Kapisanan Street, Area-5, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Kusang sumuko ang suspek na si Domingo Juancito, 52 anyos.

Base sa report, nangyari ang insidente pasado 12:00 ng tanghali sa bahay ng mag asawa.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nabatid na katatapos lang umanong maligo ng biktima nang dumating ang asawa nito galing sa inuman.

Inutusan umano ng suspek ang asawa na ipaghain siya ng tanghalian, subalit sinabi ng biktima na wala nang ulam at kanin, kaya nagdilim ang paningin ng suspek at pinagmumura ang asawa.

Hindi pa nakuntento ang suspek at kumuha pa ito ng dos por dos at pinagpapalo ang asawa hanggang sa mawalan ito ng malay. Rumesponde ang mga kapitbahay sa insidente at isinugod ang biktima sa ospital. (JUN FABON)