HINDI naiwasang tanungin si Sheena Halili tungkol sa ex-boyfriend niyang si Rocco Nacino dahil sa balitang break na ito at si Lovi Poe. 

Ang tanong kay Sheena ay kung may chance na maging sila uli ni Rocco halimbawang muli itong manligaw sa kanya?

Umiling si Sheena bilang sagot dahil hindi na siya nakikipagbalikan sa nagiging ex niya. Ang paliwanag niya, kung sa first time ay hindi kayo nagkasundo, bakit kailangan pang bigyan ng another chance ang relasyon?

“Hindi ibig sabihin na-trauma ako, pero ‘wag na lang, maghahanap na lang ako ng iba at naniniwala naman akong there is someone there for me. Maaaring hindi pa lang ngayon, pero makikita at mahahanap ko rin siya,” sabi ni Sheena.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagkuwento tuloy si Sheena na may businessman na nanligaw sa kanya, pero walang  nangyari. May nanliligaw ngayong pastor sa kanya, pero hindi pa niya alam kung ito na ang kanyang Mr. Right. Ang sabi lang niya, hindi siya papasok sa isang relasyon na hindi siya sigurado.

Anyway, masuwerte si Sheena dahil hindi siya nawawalan ng show sa GMA-7. Kabilang siya sa cast ng Destiny Rose na humahataw sa ratings at positive ang feedback ng viewers. Gumaganap siya bilang “Ate April” ni Destiny Rose (Ken Chan).

Ang husay-husay ni Ken bilang transwoman, may naiinggit sa kanya dahil mas maganda pa siya sa mga babae. Hindi pa ba siya nagdududa sa gender nito?

“Hindi pa naman ako nagdududa dahil ‘pag tapos na ang taping, balik-Ken na siya uli. Pero napapaginipan ko siya at sa panaginip ko babae siya at nag-a-ask siya ng tips bilang babae. ‘Kainis lang dahil doon ako nagigising,” wika ni Sheena. —Nitz Miralles