jessy copy copy

SI Jessy Mendiola ang 2016 Tanduay Calendar Girl at ipinost niya sa Instagram (IG) ang ilang pictures sa calendar. May naka-two-piece at one piece swimsuit siya sa pictorial and as expected, iba-iba ang reaction ng nakakita ng naturang photos.

“I can finally post this. For everyone’s peace of mind. #TANDUAY2016 #oknahahaha,” post ng dalaga.

May ilang hindi nagustuhan ang pictures dahil edited daw at may nagsabi pang photoshopped. Pero mas marami ang nagandahan sa pictures ni Jessy, pati female followers niya sa IG gustong magkaroon ng calendar niya at gustong papirmahan sa kanya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May nagtanong lang kung noong nag-pictorial ba raw si Jessy ay sila pa ni JM de Guzman or after their break-up. Kung sila pa ni JM, papayag daw kaya ito na maging calendar girl siya ng Tanduay?

Anyway, dahil sa pictures na ipinost ni Jessy, naniniwala ang kanyang fans na siya na talaga ang nababagay para gumanap sa Darna, kapalit ni Angel Locsin. (NITZ MIRALLES)