Kathryn Bernardo
Kathryn Bernardo

Ni JIMI ESCALA

KUMALAT ang balitang itiniwalag na raw sa pagiging miyembro ng Iglesia ni Cristo ang sikat na young actress na si Kathryn Bernardo. Ang sinasabing dahilan ay ang pagpayag ng Kapamilya star na mag-endorso o mangampanya para sa isang pulitiko na mahigpit daw na ipinagbabawal ng INC sa lahat ng miyembro nito.

Hayagan ang pagsuporta ni Kathryn sa presidentiable na si Mar Roxas kaya bilang isa sa mga aktibong miyembro at isa sa pinakakilalang tagapagtaguyod ng mga programa ng INC ay tinanong namin si Gladys Reyes kung miyembro pa ba o hindi na ng relihiyon nila si Kathryn.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Maniwala kayo o hindi, eh, hindi ko po talaga alam ang tungkol d’yan. Hindi ko alam at wala rin namang nakapagsabi sa akin kung ano talaga ang status ngayon ni Kathryn sa INC. I mean, kung kasapi pa ba siya o itiniwalag na, eh, hindi ko talaga alam,” sagot ng isa sa mga cast ng My Little Nanay ng GMA-7.

Aware si Gladys na bawal sa kanilang INC member ang lantarang pag-eendorso ng pulitiko sa panahon ng eleksiyon. Inamin niya na napanood at nababasa niya ang ginawang pagsuporta ng tambalan nina Kathryn at Daniel Padilla sa standard bearer ng Liberal Party na si Sec. Mar Roxas.

“May nakapagsabi na rin naman sa akin tungkol d’yan at pati ang laki ng ibinayad sa kanila, eh, binanggit sa akin pero sa totoo lang, eh, kahit pigain ninyo ako, eh, clueless talaga ako sa kung ano ang estado ngayon ni Kath sa INC,” sey pa ni Gladys.

Umiling siya nang tanungin namin kung tatanggapin niya kung may pulitikong mag-offer sa kanya para sa endorsement.

“Sa totoo lang, eh, noon, marami na rin akong natanggap na offer para ikampanya ang isang pulitiko, pero nang sinabi ko sa kanila na INC ako, eh, hindi na nila itinuloy. Ngayon, eh, wala na talagang nag-attempt dahil alam nilang hindi talaga pupuwede,” sey ni Chic-chic.

Sa ngayon, bukod sa kanyang show sa GMA-7 at Moments sa Net25 ay hands-on nanay pa rin si Gladys sa mga anak nila ng asawang si Christopher Roxas. Pati sa paghahatid at pag-attend ng meeting sa eskuwelahan ng mga anak nila ay mismong silang dalawa ang pumupunta. Bukod pa rin sa showbiz commitments at pagiging ina at asawa ay personal pa ring inaasikaso ni Gladys ang kanyang negosyong Gladys Reyes Beauty Products.

“Sariling line of beauty products po namin ito na katulad ng sabon, body scrub, rejuvenating cream at iba pang pampaganda. Sana matulungan ninyo ako tungkol dito. Open pa rin ito for distributorship,” sey ni Gladys.