Miranda copy

UNTI-UNTI nang nagsasalita si Miranda Lambert tungkol sa pakikipaghiwalay niya sa dating asawa na si Blake Shelton.

Nakipaghiwalay ang singer kay Shelton noong Hulyo, pero wala siyang anumang inihayag na dahilan ng kanilang hiwalayan. At ngayon ay tuluyan nang nagsalita si Miranda tungkol sa kanyang buhay pagkatapos mangyari ang lahat.

“Marriage is a tough business, and we gave it our best college try,” pahayag ni Miranda sa panayam sa kanya sa isang magazine, ipinaliwanag na patuloy pa rin siyang sumasailalim sa mga pagbabago ng mga bagay-bagay.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinabi ni Miranda na hindi pa siya handa para muling umibig at magpakasal.

“I had a great relationship with an amazing man,” sabi ng 32 taong gulang na si Miranda, “so I know what good is. I have a great launching pad for the future. I will never take that for granted.”

Tungkol sa kanyang mga susunod na hakbang, sinabi niya na nais lamang niyang mag-enjoy sa buhay. “Some of that might mean nights on my porch crying, drinking whiskey, and going, ‘Man, this sucks right now.’”

At, siyempre, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal niya sa musika.

“I feel the sexiest when I’m in my element, which is playing music,” sabi ni Miranda. “It doesn’t really matter what I’m wearing necessarily or where I’m at, just on stage with my band playing music is sort of where I feel like I belong and that makes me feel sexy.” (ET Online)