RICHARD CLAUDINE AT DIETHER copy copy

NAKITA namin sa social media ang pictures sa ginanap na trade launch ng TV5 sa Valkyrie Club sa Bonifacio Global City noong Martes. Sa isang picture, magkakasama sina Claudine Barretto, Diether Ocampo, Derek Ramsay at Richard Gutierrez.

Katunayan ito na tuloy na ang paggawa ni Claudine ng teleserye sa TV5 kahit may fans siya na kontra sa paglipat niya sa Kapatid Network. May pahayag ang aktres tungkol dito.

“Huwag po kayong malungkot, matutuloy pa rin po ang movie with Viva & Star Cinema. Next year pa po ‘yung pini-prepare na soap with ABS. I’m thankful that binigyan po ako agad ng soap ng Viva & TV5. I’m not exclusive sa 5 pero napakaganda ng offer nilang teleserye, ang ganda ng story. Sana po maintindihan po ninyo that I am a single mother at ako lang po ang tumataguyod sa mga anak ko. I also need to work because I want to take care of my parents.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

When I wasn’t working & all my accounts & properties was on hold, it was my parents who fed & took care of my kids & I. They took care of all my needs as well as my children’s.

“Now that I am back and my Mom not knowing that we already know that she is sick & has Lupus I don’t ever want them to spend a cent at ako naman po ang mag-aalaga sa kanila ng daddy ko. pls pray for & let’s be grateful that I’ve work & I be able to take care  & serve my mom & dad coz my whole life inalagaan at they gave us a wonderful life.

Thank u po sa mga nakakaintindi & I’m sorry Mom but I know.”

Si Diether na ang makakapareha ni Claudine sa teleserye na ang magiging title raw ay Bakit Manipis Ang Ulap. Next year pa ang airing nito. (Nitz Miralles)