COLORADO SPRINGS, Colo. (Reuters) – Pinasok ng lalaking armado ng rifle ang Planned Parenthood abortion clinic sa Colorado Springs nitong Biyernes at nagpaulan ng bala sa isang pag-atake na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasugat ng siyam na iba pa, ayon sa awtoridad.

Kabilang sa mga nasawi ang isang pulis at dalawang sibilyan, sinabi ni Colorado Springs Police Chief Peter Carey sa mga mamamahayag isang oras makaraang maaresto ang suspek, na kinilala ng Denver Post na si Robert Lewis Dear, 57 anyos.

Lahat ng siyam na nasugatan—limang pulis at apat na sibilyan—ay maayos na ang lagay sa iba’t ibang ospital, ayon kay Carey.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'