Cory Vidanes at Elmo copy copy

“MAGALONA ‘yan kaya may lalim umarte ‘yan, hindi lang alam ng GMA-7 kung paano ito ilabas, makikita mo ‘pag nasa ABS na siya, lalabas ang husay niya sa pag-arte.”

Ito ang eksaktong sinabi sa amin ng taga-ABS-CBN nang tanungin namin kung bakit kinuha ng Kapamilya Network si Elmo Magalona, dating GMA artist, nang makita namin sa social media ang photo niya kasama Channel Head ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes.

Yes, nasa Dos na si Elmo na sa tagal nang pagbibida sa mga serye ng GMA-7 ay hindi pa rin sumisikat nang husto at daig pa siya ni Onyok na bukambibig na sa buong Pilipinas at sa lahat ng Filipino community sa buong mundo dahil napapanood ang Ang Probinsiyano sa TFC.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ipinakilala si Elmo ng Dreamscape Entertainment kahapon kasabay ng contract signing niya sa Kapamilya Network. Ang bongga ng bagets dahil bibigyan siya kaagad ng sarili niyang serye kasama si Janella Salvador na may titulong Born For You.

Hindi sinasadyang nabanggit sa amin ng kausap naming taga-Dos na hango sa awitin ni David Pomeranz na Born For You ang titulo ng serye ng dalawang bagets. As of now, binubuo pa lang daw ito.

In fairness, guwapo at may karisma si Elmo. So, dapat na bang mayanig (pahiram Paulo Avelino) o kabahan ang ibang young actors ng Star Magic na masyadong kampante sa sarili nila?

“Oo nga, kawawa naman ‘yung ibang young actors ng Star Magic, mas lalo silang matatabunan,” sabi ng taga-Dos na kausap namin. (REGGEE BONOAN)