marian at dingdong copy

PARA kay Dingdong Dantes, nakakita siya ng miracle sa pagsisilang ng asawang si Marian Rivera sa kanilang unang supling, si Maria Letizia Gracia Dantes noong November 23. 

Nasa tabi siya ni Marian sa loob ng 20 oras na pagli-labor nito kaya gulat na gulat siya sa tapang ng asawa at nakaya nito ang mahabang oras bago lumabas ang kanilang anak.

Napansin daw ni Dingdong na sa marami nang shot na nakuha niya kay Baby Z, naiiba-iba ang looks ng anak. Nang tanungin si Dingdong kung sino sa kanila ni Marian ang kamukha ng baby, more on Marian daw, lalo na ang beautiful nose na tulad ng nose ni Marian. 

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kahit si Carlo Gonzales, pinsan ni Dingdong, nang tanungin namin noong launch cum presscon ng bago nitong soap sa GMA-7, ang Because of You, sinabi niya na si Marian ang kamukha ng baby. 

Hindi rin daw niya kinunan ng picture ang pamangkin dahil ayaw niyang pangunahang maglabas ng picture ang pinsan niya. Tiyak daw namang magpo-post si Dingdong sa Instagram nito.

Ngayong maluwalhating nakapagsilang si Marian, paano na ang pagpunta niya sa Paris para mag-attend ng Climate Change Forum doon? As Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, katungkulan niyang dumalo roon. Alam daw niyang ang anak nila ni Marian ay isa sa makikinabang kung magiging maayos ang kahihinatnan ng forum na dadaluhan niya. 

Alam daw niyang mahirap ang lumayo agad sa kanyang mag-ina pero napag-usapan na raw nila iyon ni Marian. 

Kaya any day now, itutuloy na niya ang pag-alis papuntang Paris. (NORA CALDERON)