Nanindigan ang kampo ni Sen. Grace Poe-Llamanzares na siya ay natural born Filipino citizen kahit pa siya’y isang foundling o “napulot” at hindi kilala ang mga tunay na magulang.

Ang pahayag ay ginawa ni Atty. George Garcia, abogado ni Poe, sa isinagawang oral argument sa Commission on Elections (Comelec) sa mga disqualification case na isinampa laban sa presidential aspirant.

Sa paggigiit na si Poe ay isang natural born citizen, tinukoy pa ni Garcia ang siyam na convention na nagsasaad na walang taong ikinokonsiderang stateless.

Binigyang-diin din ni Garcia na dapat na kaagad ibasura ang mga disqualification case laban sa senadora.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Unang inihirit ni dating Sen. Francisco “Kit” Tatad na hindi natural-born Filipino si Poe kundi isang naturalized citizen lamang.

Sa ilalim ng Saligang Batas, tanging mga natural born citizen lamang ang maaaring tumakbo sa presidential elections.

Bukod sa citizenship, kinukwestiyon rin ng mga petitioner ang residency ni Poe at iginiit na kulang ang kanyang residency requirement kaya’t hindi siya maaaring tumakbo sa pagkapangulo.

Samantala, ibinasura ng Comelec ang petisyon na inihain ng kampo ni Poe na humihiling na pag-isahin na lamang ang apat na disqualification case na isinampa sa kanya sa poll body.

Hindi pinagbigyan ng Comelec First Division ang motion to consolidate na inihain ng senador.

Iniapela naman ng kampo ni Poe ang naturang desisyon.