MARLO JANELLA JEROME_PLEASE CROP out ang bandang itaas copy

MALAKING challenge kina Janella Salvador, Marlo Mortel at Jerome Ponce ang Haunted Mansion movie.

Ito pa lang ang unang pelikula nila pero sila na ang ipinalit ng Regal Entertainment sa Share, Rattle & Roll na maraming taon ding naging paborito sa Metro Manila Film Festival tuwing Pasko.

Lumalakas ang fan base ng tatlong Kapamilya young stars. Kagagaling nina Janella at Marlo sa Oh My G! samantalang huli namang napanood si Jerome sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita. Parehong naging big hit ang dalawang serye.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tulad ni Marlo, naka-love team din ni Jannela sa Be Careful With My Heart si Jerome kaya may kanya-kanyang grupo ng fans na nakatutok sa magkaibang ka-love team ni Janella.

Siguradong market na ito, dahil na rin sa kuwento ng kanilang director na si Jun Lana na kahit sino-shooting pa lang ay nagkakaaway-away na ang followers ng tatlong bagets sa mga post niya sa social media.

Idagdag pa na mukhang may sinusunod na formula si Direk Jun at pati na rin ang Regal para masigurong makakasabay ang Haunted Mansion sa mas malalaking pelikula na pinagbibidahan naman ng mas malalaking artista at love teams.

Kaya hindi lang horror ang Haunted Mansion, tiniyak ni Direk Jun na aabangan din ng young audience ang kilig scenes sa tatlong bida, bagamat ayaw niyang i-reveal kung kanino sa dalawang leading man mapupunta sa huli ang dalaga.

Sa lahat ng official entries sa MMFF 2015, itong Haunted House din ang may pinakamaagang promo campaign.

Multi-picture contract ang pinirmahan nina Jannela, Marlo at Jerome sa Regal. Kapag nag-hit ang pelikula nila, madali silang makakagawa ng follow-up movie. (DINDO M. BALARES)