James at Nadine copy

INIULAT namin kamakailan na nagalit si James Reid kay Nadine Lustre sa premiere night ng Wang Fam noong nakaraang linggo dahil sa sexy dress na suot nito bukod pa sa super-mega late dumating ang dalaga.

Sinulat din namin ang kuwento ng staff ng production ng On The Wings of Love na pinagmamalasakitan o pinoprotektahan lang ni James ang leading lady niya.

Sa “Kapamilya Krismas 3” handog ng Dreamscape Entertainment na ginanap sa Mindanao Open Parking ng Trinoma noong Linggo na dinaluhan ng mahigit 20,000 katao, nakatsikahan ng entertainment press sina James at Nadine na nagsabing okay na sila at umamin na normal lang na parati silang nag-aaway.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“We’re good now, past is past,” kaswal na sabi ni James.

“It happens always, it’s normal,” salo naman ni Nadine at idinugtong na na-appreciate niya ang pagsita sa kanya ni James sa kasuotan niyang sexy.

Ibig sabihin lang daw noon, concerned sa kanya ang binata. So, sanay na siyang nasesermunan ni James.

Bakit nga ba concerned si James kay Nadine?

“Because she’s a big part of my career, she’s part of me,” sagot ng young actor.

Kaya sanay na raw si Nadine kay James kapag sinisita siya.

Hmmm, sa tingin namin, Bossing DMB, e, mukhang sinasadya naman ni Nadine na magsuot ng sexy outfit para parati siyang napapansin ni James. Ano sa palagay mo?

(Alam na this, he-he…. –DMB) (REGGEE BONOAN)