BABY MARIA LETIZIA copy

KABILANG sa nag-congratulate kina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagsisilang ni Marian kay Baby Maria Letizia Gracia-Dantes noong 5:25 AM ng Lunes, November 23, si Ai Ai delas Alas.

Sa kanyang congratulatory message sa new parents, sinabi ni Ai Ai na i-enjoy ni Marian ang motherhood.

“Finally, lumabas na si Z MY BEAUTIFUL INAANAK... GOD BLESS YOUR FAMILY WOHOO... and to my kambal enjoy your motherhood... Napakasarap maging mommy at napakabango ng baby.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nasa New York ang isa pa sa best friends ni Marian na si Ana Feleo na sa pamamagitan din ng Instagram ipinarating ang pagbati kay Marian: “Answered prayer! I am in tears when I heard the good news! Congratulations @dongdantes and @therealmarian for bringing to this world our princess Zia! Love you both.”

Sa kanyang IG account, unang ipinost ni Dingdong ang picture ng kanang kamay ni Baby Z na may caption na, “Twenty-three November, 2015: The day God decided to deliver His most precious gift. This morning, I witnessed a miracle... and during that moment, I realized that my life would never be the same again.

As we welcome this new graceful chapter with open hearts, we thank everyone who prayed with us through this weet journey. Friends, say hello to our Maria Letizia @therealmarian.”

Kalaunan, nag-post na si Dingdong ng buong photo ni Baby Z na ang buong pangalan lang nito ang nakasulat. Sa dalawang post, bumabaha ang pagbati ng mga kapwa artista at ng publiko kina Dingdong at Marian. (NITZ MIRALLES)