lovi at rocco copy

HULING linggo na ngayon ng Beautiful Strangers at malalaman na kung ano ang mangyayari sa mga karakter ng soap na sinubaybayan at minahal ng viewers.

Ayaw magbigay ng spoiler ang cast na nakausap namin sa magiging ending ng teleserye para hindi ma-preempt, panoorin na lang daw para masorpresa tayong lahat.

Bago magtapos ang buwan, lilipad si Lovi papuntang Europe para sa ipinangakong European vacation sa kanyang ina at tita. Itutuloy ni Lovi ang biyahe kahit may nangyari sa Paris dahil birthday treat niya ito sa ina at tita at bonding time nila. Dadalhin ni Lovi sa Vatican City at Paris ang ina at tita niya at siya nama’y gustong mapuntahan ang Sanctuary of Our Lady of Lourdes.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Aalis si Lovi na hindi pa rin sinasagot ang tanong ng press people at fans sa estado ng relasyon nila ni Rocco Nacino. Dahil hindi na nakikitang magkasama at hindi nagpo-post ng pictures nila na magkasama sa IG, pinaniniwalaang break na ang dalawa.

May mga nag-aakala namang may lovers quarrel o LQ lang sina Lovi at Rocco at maaayos din nila ang lahat kapag nakapag-usap sila. Mangyayari ito kapag nagkasama sila sa shooting ng indie film na Lakambini, na ginagampanan ni Lovi ang role ni Gregoria de Jesus o Oryang at si Rocco sa papel ni Andres Bonifacio.

Pero kahit may isyung hiwalayan, ipinagtanggol pa rin ni Lovi si Rocco sa mga naniniwalang ang aktor ang may kasalanan sa nangyayari sa relasyon nila – na may non-showbiz girl daw na idini-date at iba pang kasiraan.

“Hi dear, thanks po for the concern. But not everything you read online is true, pls. don’t think led of Rocco, he’s a good man. Whatever’s happening between us, we want to keep private for the meantime. Thank you po again,” mensahe ni Lovi. (NITZ MIRALLES)