Tinupok ng apoy ang anim na kabahayan sa sunog sa Valenzuela City nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng Valenzuela Fire Station, bandang 5:15 ng hapon nang masunog ang mga bahay sa 25th Street, Fortune Village 5, Barangay Parada ng nasabing lungsod. Umabot ito sa ikatlong alarma at tinatayang P50,000 halaga ng mga ari-arian ang nasira.

Lumalabas na nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Amalia Cruz subalit hindi pa mabatid ang sanhi nito.

Walang iniulat na nasaktan o namatay sa nasabing sunog. (Orly L. Barcala)

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos