Ni GENALYN KABILING

KUALA LUMPUR, Malaysia – Nakipagkasundo ang 10 leader ng mga bansa sa Southeast Asia sa United States, China at sa pitong iba pang bansa sa pagpapaigting ng maritime cooperation upang maisulong ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Ang kasunduan sa pagpapaigting ng regional maritime cooperation sa Asia Pacific ay nilikha sa 10th East Asia Summit, na kinabibilangan din ng panawagan para sa isang payapang resolusyon sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea), partikular na ang agarang pagbubuo ng isang legal at nagbubuklod na Code of Conduct upang maibsan ang tensiyon sa lugar.

Ang EAS ay dinaluhan ng mga leader ng mga bansang bumubuo sa Association of Southeast Asian (ASEAN), kabilang si Pangulong Aquino, kasama ang kanilang dialogue partners mula sa United States, Russia, China, India, South Korea, Japan, Australia at New Zealand. Ilan sa kasapi ng ASEAN, gaya ng Pilipinas, ay may alitan sa China kaugnay ng agawan sa mga isla sa South China Sea.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

“We are promoting peace, stability and security in the region by redoubling our cooperative efforts,” saad sa pahayag ng mga leader ng EAS.

Hinimok ng mga EAS leader ang lahat ng bansa na irespeto ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at iginiit na ang lahat ng bansa ay ma-“enjoy and exercise freedom of navigation and overflight in accordance with international law, including UNCLOS.”

Pinuri naman ni Pangulong Aquino ang nasabing pahayag ng EAS, at binanggit din ang pagpapahayag ng China ng pagtalima sa international law sa position paper na isinumite sa Arbitral Tribunal noong Disyembre 2014, gayundin sa posisyon kamakailan ni Chinese President Xi Jinping tungkol sa non-militarization sa South China Sea.