Kathryn at Daniel copy

IPINASILIP na ang bagong mundo ni Yna (Kathryn Bernardo) sa Pangako Sa ‘Yo tampok ang pagbabalik niya sa bansa pagkaraan ng dalawang taong pag-aaral sa isang culinary school sa Amerika.

Ngayong linggo, makikilala na ang bagong Yna at ang kanyang bagong buhay sa Pilipinas, na kabaligtaran naman ng sinapit ni Angelo (Daniel Padilla).

Kasabay ng pangako sa sariling kalimutan na si Yna, desidido rin si Angelo na bumangon sa buhay para maitaguyod nang mag-isa ang kapatid na si Lia (Andrea Brillantes).

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Simple man ang trabaho ngayon sa isang panaderya, puno ng pag-asa si Angelo na muling guminhawa ang kanilang buhay katuwang sina Tatay Greggy (Tirso Cruz III), Monay (Mickey Ferriols), at Kabayan (Bayani Agbayani) bilang bago niyang pamilya.

Kaabang-abang din kung saan uuwi ang aso’t pusang awayan nina Angelo at ng kapitbahay niyang si Ligaya (Sue Ramirez) na naging malapit sa isa’t isa sa kabila ng kanilang madalas na pagtatalo.

Muli kayang magkrus ang landas nina Yna at Angelo pagkatapos ng dalawang taon? Tuluyan na kayang makalimutan ni Angelo si Yna para buksan ang kanyang puso sa iba? At mauwi naman kaya sa totohanan ang away nina Angelo at Ligaya?

Bilang pasasalamat naman sa patuloy na suporta ng fans ng serye, maghahandog uli ng Thanksgiving Day sina Kathryn, Daniel, at ang buong cast ng Pangako Sa ‘Yo sa Fairview Terraces Mall sa Nobyembre 29 (Linggo), 5 PM.

Huwag palampasin ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.