Maine at Alden copy

INAABANGAN ng AlDub Nation kung paano ipaglalaban nina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Alden Richards ang maganda na nilang pagtitinginan ngayon na nagkaroon ng bagong twist sa istorya ng kalyeserye. Kung noon, si Lola Nidora ang mapilit na ipakasal si Yaya Dub kay Frank Arenolli (Jose Manalo) dahil may malaki siyang pagkakautang dito, ngayon naman ay si Lola Babah (Ai Ai delas Alas) na lola ni Alden from Russia, ang mapilit na mahalin ni Alden ang Russian model na si Cindy. Ayaw ni Lola Babah kay Yaya Dub dahil ang payat daw.

Ipinaglaban noon ni Alden ang pagmamahal niya kay Yaya Dub at ginawa ang lahat ng challenges ni Lola Nidora sa kanya, ngayon ba ay kaya rin niyang gawin ang lahat para hindi maagaw ni Cindy si Alden?

Ayaw na ayaw ni Alden kay Cindy dahil si Yaya lamang daw ang talagang mahal niya, ayaw din niya kay Cindy na mas mataas pa sa kanya at dahil hindi sila magkaintindihan dahil Russian ang salita nito.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Hindi maakit ni Cindy si Alden kahit nag-dubsmash din siya tulad ng ginagawa ni Yaya Dub. Nag-model pa siya na ginaya naman ni Yaya na suportado nina Lola Nidora at Lola Tidora (Paolo Ballesteros). Sa split screen, todo si Alden sa pagsasabing ‘kaya mo yan, huwag kang patatalo.’

Pero ano ang gagawin ni Alden na si Lola Babah ang may gusto na makipag-date siya kay Cindy? Siyempre, selos na selos naman si Yaya Dub. Sabi pa ni Lola Babah kay Alden, magdi-date sila sa tamang panahon ni Cindy. Naku Babah, huwag naman sa 18th weeksary pa nina Alden at Yaya, huwag kang kill joy!

Ayon sa AlDub Nation, mas maganda si Yaya kaysa kay Cindy -- na sa unang pag-apir sa screen ay tinanong kung beki siya, pero hindi naman pala. Totoong Russian model siya na taken na at mukhang Pinoy ang boyfriend niya, marunong ding magsalita ng Tagalog. Naniniwala ang AlDub Nation na hindi ipagpapalit ng kanilang Pambansang Bae si Yaya Dub.

May napapansin ang AlDub Nation na parang may sariling mundo sina Yaya Dub at Alden kahit nasa harap sila ng telebisyon. Mukha raw sa pamamagitan ng galaw ng mga daliri ay nagkakaintindihan sila kung ano ang gusto nilang iparating sa isa’t isa.

Bakit daw minsan ay may itinuturo si Yaya sa noo ni Alden (may nag-tweet pa kung totoong nabukulan si Alden sa noo), minsan naman ay may senyas sila sa mga taynga nila, at ang latest, iyong limang daliri na tabi-tabi na nagpapangiti kay Maine kapag nagtatampo siya kay Alden, sabay dialogue ng, “Huwag dito Alden, hindi sila na-orient (wala silang alam).” Ano kaya ‘yon? (NORA CALDERON)