Piolo copy

BIKTIMA na naman ng garapalang paninira ng isang website si Piolo Pascual sa ipinost na artikulong kesyo umamin na raw si Papa P na isa siyang gay o bading.

Siyempre, marami ang nakabasa, pero kung may mga naniwala ay higit na nakararami ang nagduda sa nasabing post. 

Base sa lumabas na quotes ay aakalain talagang si Piolo ang nagsasalita na para bang personal na nakapanayam ang actor ng nag-imbentong writer. Pero mas grabe ang naging reaction ng netizens na nakabasa ng nasabing post. 

Lalaki, pumatol sa misis ng kasamahan sa trabaho; nahawaan ng HIV

Marami ang nanghusga na kaagad. Mas marami naman ang nakikisimpatiya kay Papa P dahil alam ng mga ito na paninira lang ang inimbentong artikulo. May mga kasamahan sa panulat na nagbigay ng reaksiyon.

May tinawagan kaming mga tao na alam naming malapit kay Piolo at isa sa mga executive ng ABS-CBN na kinulit namin sa kanilang official statement hinggil sa isyu. 

Naririto ang official statement mula sa ABS-CBN:

“It has come to the attention of PUSH.com.phthat a site named MANILALINK.com came out with an article claiming that they had an interview with Piolo Pascual regarding his sexuality.

“We verified this with Mr. Piolo Pascual himself and he vehemently denied that THE interview ever happened.

“This article is a HOAX. We enjoin the public to beware of HOAX sites such asmanilalink.com that intend to malign and destroy the reputation of good people.”

Napag-alaman din naman namin sa aming kausap na ayaw na munang magkomento sa ngayon ni Piolo, pero may pinag-aaralang umanong hakbang na gagawin ang sikat na actor.

Basta kami kahit ano pa ang gawing paninira kay Papa P, love pa rin namin siya. Mabait si Piolo at pagdating naman sa kanyang faith ay sobrang relihiyoso ng actor, na wala sa ibang mga kasamahan niya. (JIMI ESCALA)