Kinondena ng mga lider na nagtitipon para sa isang regional summit sa Pilipinas ang mga pag-atake sa Paris sa isang pinag-isang ng pahayag na ilalabas nila mula sa pagpupulong.

Sinasabi ng 21-member Asia Pacific Economic Cooperation forum na kinabibilangan ng United States at China na ang mga pag-atake “demand a united voice from the global community.”

Ang tugon ay nakapaloob sa isang pinag-isang ng deklarasyon na ilalabas sa pagtatapos ng annual summit sa Huwebes.

“We stand in solidarity with the people of France and all victims of terrorism elsewhere,” sabi ng mga lider sa pahayag na nakita noong Martes ng The Associated Press.

National

Giit ni Romualdez: Trahedya ng Bagyong Yolanda ‘di na raw dapat maulit

Ang mga pag-atake noong Biyernes sa Paris ng pinaghihinalaang Islamic State group extremists ay ikinamatay ng 129 na katao at ikinasugat ng 350 iba pa. Ang mga biktima ay nagmula sa 19 na nasyon, ayon kay French President Francois Hollande.

Ang APEC meeting, nakatuon sa mga isyu sa kalakalan at ekonomiya, ay nalililiman ng Paris attacks at ng iringan ng China sa South China Sea sa kanyang mga kalapit bansa sa Asia.

Ngunit hindi binanggit sa draft communiqué ang pakikipag-agawan ng teritoryo ng China sa Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Taiwan at Brunei, na lahat ay miyembro ng APEC.

Magtatapos ang summit sa Huwebes. (The Associated Press)