Ronda Rousey

Nasa mabuting kalagayan na ang dating UFC bantamweight champion na si Ronda Rousey, pero nagpasya siyang mamamahinga muna matapos ang nakagugulat na knockout sa kanya ni Holy Holm, sa main event ng UFC 193, sa Melbourne, Australia nitong Linggo.

Si Rousey, na pinakadominanteng kampeon sa MMA, ay na-knockout sa second round makaraang pakawalan ni Holm ang matinding sipa sa leeg na tumama sa panga ni Rousey kaya natumba ito, na sinugod pa rin ni Holm para paulanan ng magkakasunod na suntok.

Ito ang unang pagkatalo ni Rousey sa 13 laban niya, at mawala sa aura ang dating Olympic bronze medalist, na sa mga nauna nitong laban ay halos gapiin ang kanyang mga nakalaban sa 12-fights nito sa unang round pa lang.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa Instagram post, nagpasalamat si Rousey sa kanyang mga tagahanga sa ipinakitang pagmamahal at suporta sa kanya.

“I appreciate the concerns about my health, but I’m fine,” ayon kay Rousey, na dinala sa ospital makaraan ang pagkatalo nito.

“As I had mentioned before, I’m going to take a little bit of time, but I’ll be back,” pangako ni Rousey.

Samantala, inihayag naman ni Holm na walang magiging problema kung magre-rematch sila ni Rousey sa mga darating na buwan.

Ayon kay Holm, deserving lamang na magkaroon ng rematch sa kanya si Rousey dahil sa kakaiba nitong kasikatan.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin makapaniwala si Holm na tinalo niya ang pinakasikat na UFC star dahil sa kakaibang galing at bilis nito. (ABS-CBN Sports)