alma moreno

DISAPPOINTED kay Alma Moreno ang mga nakapanood sa one-on-one interview sa kanya ni Karen Davila sa Headstart ng ANC dahil hindi masagot o hindi niya ma-express nang mabuti ang mga sagot niya.

Nakita ng viewers na hindi siya handa sa interview. Sabi tuloy ng mga nakapanood, dapat magalit si Alma sa kanyang mga tao dahil pumayag na isalang siya sa interview na hindi siya handa.

Walang nakuhang masustansiyang sagot sa kanya si Karen at kung sumagot man, one-liner na parang na-ambush interview lang siya na nagmamadali at nagmamadali rin ang reporter.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Hindi nakayanan ng ibang viewers ang interview.

Nang tanungin tungkol sa Reproductive Health Law, hindi kuntento si Karen sa sagot niyang in favor siya sa RH Law... with reservations, at nang tanungin siya kung ano ang reservations niya, ang balik-tanong niya ay “kailangan bang sagutin ‘yan?” na sinagot ni Karen ng, “Of course, you are running for the Senate.”

Pabor si Alma na mamigay ng pills sa mga barangay para makontrol ang pagdami ng tao, at nang tanungin uli siya ni Karen kung paano makokontrol, ang sagot ay, “Dapat laging bukas ang ilaw.”

Viral na ang interview na ‘yun ni Karen kay Alma at nagpasalamat ang mga nakapanood dahil may rason na raw sila para hindi ito iboto.

Tumatakbo for senator si Alma sa ilalim ng United Nationalist Alliance sa pangunguna ni VP Jojo Binay na tumatakbo naman for president. (NITZ MIEALLES)