Kris Bernal
Kris Bernal

ITINURING ni Kris Bernal na suwerte o blessing na siya ang nakasama ni Nora Aunor sa bagong family drama na ginagawa niya sa GMA-7, ang Little Nanay. May reporter kasing nagtanong kay Kris kung natalbugan na ba niya ang ibang aktres sa GMA dahil naunahan niya ang mga ito na makasama ang Superstar.

“Wala po sa akin iyon, wala akong iniisip na ganoon kundi labis-labis akong nagpapasalamat sa GMA na binigyan ako ng ganitong project at nakasama ko ang mga mahuhusay na artista, mga icon na, na dati ay pinapanood ko lang, ngayon katrabaho ko na,” sabi ni Kris. “Wala po akong iniisip na nakaangat na ako sa iba.”

Itinanong din kay Kris kung bakit pumayag siya na baguhang aktor ang makatambal sa soap, si Hiro Peralta. Hindi ba siya nag-request na ibalik ang tambalan nila ni Aljur Abrenica na nagbalik sa Kapuso Network?

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

“Wala po naman ako sa point na p’wedeng mag-request ng leading man ko. Gusto ko rin namang makatambal ng iba. Dumaan din ako sa pagiging bago at marami ring sumuporta sa akin. Like si Mark Herras na kasama ko rito, si Dennis Trillo, si Rocco Nacino, lahat sila sinuportahan nila ako nang makatambal ko sila. Siguro hindi pa ngayon ang time na muling magbalik ang love team namin ni Aljur. Masaya lang ako for him dahil may ginagawa na siyang project ngayon dito.”

Ginagampanan ni Kris si Tinay, isang 26-year old na may intellectual disability o ang pag-iisip ay sa isang 7-year old child. Pinilit ng pamilya ni Tinay na sina Loley Annie (Nora Aunor) at Loloy Berting (Bembol Roco), mga uncle niyang sina Peter Parker (Mark Herras) at Bruce Wayne (Juancho Trivino) na maging normal ang buhay niya lalo na nang mabuntis siya ng itinuturing niyang superman ng buhay niya, si Archie (Hiro).

Kasama pa rin sa cast ng primetime series, na mapapanood na pagkatapos ng Marimar simula ngayong gabi, sina Eddie Garcia, Sunshine Dizon, Gladys Reyes, Keempee de Leon at Renz Fernandez. Gaganap na anak ni Kris si Chlaui Malayao, mula sa direksyon ni Ricky Davao. —Nora Calderon