liza, james, alden at cacai copy

IT’S nice to see na magkakasama in one picture ang mga Kapuso at Kapamilya stars.

Naganap ito last Thursday evening sa SM Mall of Asia nang i-launch ng Metrobank Yazz Card Ph, kaya nagkasama-sama sina Alden Richards, James Reid at Liza Soberano. Kasama rin nila si Cacai Bautista. Sila ang latest ambassadors ng prepaid card na puwedeng i-avail para magamit sa shopping online, book flights online at magpadala ng pera sa pamilya at makakuha ng pera sa alinmang ATM.

Sa launch, sa backstage, may mga post na nakikitang nagkukuwentuhan sina Alden at James at nagkamayan pa. Nang lumabas na silang apat sa stage, tilian ang mga tao at game naman silang nagpa-selfie with the audience. May kani-kanila silang characters na ginampanan na napanood sa video bago sila ipinakilala. 

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Si Alden ay gumanap bilang si Bagger Ricky sa isang grocery store, na ikinagulat at may customer pang napaiyak pa sa sobrang tuwa nang makitang siya ang naglalagay sa bags ng pinamiling groceries. Puwede rin siyang itsika ng customer. Iyong last customer na nakakilala kay Alden ay nabigyan ng isang yazz card na may laman nang ten thousand pesos.

Gumanap namang security guard si James sa isang bank at natutulala ang clients na pumapasok kapag nakilalang siya ang nagtsi-check ng kanilang handbags. 

May post nga sa Instagram account ng Metrobank ang isang client, kahit daw maya’t maya ay i-check ang bag niya ay hindi siya tututol kung kasing guwapo ni James ang security guard. Isa ring lucky client ang nabigyan ni James ng yazz card worth ten thousand pesos.

Sayang at walang nai-post kung ano naman ang character na ginampanan ni Liza at ni Cacai as endorsers. At sayang din na wala palang TVC ng product na ini-endorse ng apat na ambassadors. 

Samantala, after the launch ay tumuloy pa si Alden sa Gumaca, Quezon para tuparin ang pangako niyang mag-attend ng 433rd Patronal Town Fiesta at awitan ang mga nanalo sa Little Mr. & Miss Gumaca 2015. Nakasama naman ni Alden na guest din si Janella Salvador ng ABS-CBN.

Ngayong Sabado, sa kalyeserye ng Eat Bulaga, isi-celebrate ang birthday ni Lola Nidora (Wally Bayola) at malalaman natin kung matutuloy ang selebrasyon na pinaghandaan nina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Lola Tidora (Paulo Ballesteros) o ituloy ni Nidora na pumunta at magpahinga muna sila sa kanilang bahay-bakasyunan. (NORA CALDERON)