kris copy

SA November 19 pa ang luncheon para sa APEC first spouses na host si Kris Aquino at mga ate niya. Bago pa man maakusahan ang Aquino sisters na umeepal sila, nilinaw na ni Kris na sila ng kanyang mga ate ang magso-shoulder ng ibang gastos para sa nasabing event.

Post ni Kris sa Instagram (IG): “My sisters and I are shouldering the added expense to beautify the luncheon venue, mount the stage, and for the sound system, pianist, etc. I was really just waiting to be asked because mahirap naman mag-atrebida, pero siyempre we want to show them the best of our country. We are proud to be doing this for our national pride & in solidarity with our brother PNoy.”

Nauna nang nagpasalamat si Kris sa mga kaibigan na tutulong para maging successful ang luncheon. Kabilang dito si Derek Ramsay na co-host niya sa event, Ogie Alcasid, Matteo Guidicelli, Angeline Quinto at Erik Santos na performers sa 20-minute musical show na inihanda para sa wives ng APEC leaders.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, hanggang noong Huwebes, may sakit pa rin si Kris, may sipon at sinus headache pa siya, pero nag-taping pa rin siya ng KrisTV. Kailangang magaling na siya ngayong Sabado dahil ninang siya sa kasal ng kanyang pamangking si Miguel Abellada at mapapangasawang si Stephanie Yap.

Mabuti at bukas pa ang resume niya ng shooting ng MMFF entry na All You Need is Pag-ibig, makakapag-rest pa siya.

Ini-report ni Kris na regular siyang umiinom ng Vitamin C, lemon juice, at natutulog ng tamang oras para sa shooting at APEC 2015. (NITZ MIRALLES)