JoWaPao with Direk Cesar Cosme_for GMA CHRISTMAS ITEM copy

INILUNSAD ng GMA Network ang Christmas campaign na “MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko” kagabi, November 12, sa 24 Oras.

 

Magkakasama ang mga pinakamaningning na Kapuso artists at pinakapinagkakatiwalaang News and Public Affairs personalities sa pagpapaabot ng mensahe ng pagmamahalan at pagbibigayan ngayong Pasko bilang sentro ng selebrasyon ng Kapuso Network.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Inihalintulad ni Cesar Cosme, na siyang nagdirehe ng station ID sa “genuine and pure love” ng isang bata ang mensahe ng naturang campaign.

 

Nais ipamahagi ng Kapuso Network na ang kapaskuhan ay panahon ng pagmamahalan.

 

Bahagi ng GMA Christmas station ID ang ilan sa pinakamalaking artista ng Network na sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Ai Ai de las Alas, Lovi Poe, Heart Evangelista, Michael V, Willie Revillame, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Megan Young, Carla Abellana, Barbie Forteza, Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Andre Paras, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, at German Moreno.

 

Tampok din sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at iba pang Dabarkads gayundin ang phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, kasama sina Wally Bayola, Paulo Ballesteros at Jose Manalo.

 

Kasama rin ang GMA News and Public Affairs team sa pangunguna ng GMA News pillars na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Jessica Soho, Vicky Morales, Arnold Clavio at Howie Severino. 

 

Mula sa mga eksenang sumasalamin sa tradisyon at masasayang tagpo kasama ang mga mahal natin sa buhay, ipinapakita sa Christmas station ID ng GMA ang isang Paskong maituturing na tunay na Pinoy at tunay na Kapuso.

 

Hangad ng GMA Network na maisapuso ng mga manonood sa buong mundo ang mensaheng – MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko.

 

Ang Christmas station ID theme song ay inawit ni Alden Richards; ang liriko ay isinulat nina Brian James Camaya at Clare Yee at nilapatan naman ng musika ni Simon Tan.