TARLAC CITY - Isang ina ang posibleng papanagutin dahil sa pagpapabaya sa dalawa niyang anak na paslit na nagkasakit ng tuberculosis at nagpalabuy-laboy sa kalye para lang magpalimos at may makain sa araw-araw.

Ayon sa report, napadpad ang magkapatid sa bisinidad ng Camp Allen sa Baguio City sa pamamalimos, habang ang ina nilang si Raquel Brillo, 34, ay kasalukuyang naninirahan sa Sta. Monica Heights Subdivision sa Barangay San Rafael, Tarlac City.

Sinamahan ang magkapatid ni Perlita Lomboy, nasa hustong gulang, sa Police Community Precinct-3 sa WCPD Office ng Tarlac City Police Station para ireklamo si Brillo.

Sa ulat ni PO2 Janeth Galutan kay Tarlac City Police Chief Supt. Felix Verbo, Jr., simula nang nabilanggo ang ama ng mga bata na si Angelito Brillo noong 2011 ay nagbago na ang ginang hanggang sa magkaroon ng bagong karelasyon.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ayon sa report, napilitang tumigil sa pag-aaral ang magkapatid dahil sa kakulangan sa pera, at kadalasang hindi na kumakain sa maghapon. (Leandro Alborote)