Ang Facebook, na kinahihiligan ng lahat, ang nagpahamak sa isang dalagita na tinangay ng kasintahang tomboy at 10 araw na itinago sa bahay ng huli sa Valenzuela City.

Sa report ni SPO2 Lorena Hernandez, PNCO-IC- Women’s and Children Protection Desk (WCPD), kay Senior Supt. Audie A. Villacin, officer-in-charge ng Valenzuela City Police, kinasuhan ng consented abduction in relation to R.A. 7610 (Anti-Child Abuse law) si Leslie Maciano, 28, housekeeper, ng No. 035 G. Lazaro Street, Barangay Dalandanan, ng nasabing lungsod.

Sa sworn statement ng 14-anyos na biktima, sinabi niyang mahigit isang linggo na niyang ka-chat sa Facebook si Maciano hanggang sa magkaroon sila ng relasyon.

Sinabihan umano siya ng suspek na magkita sila sa supermarket na pinapasukan ng una sa Muñoz, Quezon City, noong Oktubre 31, 2015.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Dinala po ako sa bahay nila sa Valenzuela City, at ipinakilala ako sa mga magulang niya,” anang dalagita.

Dakong 10:00 ng gabi nitong Nobyembre 2 nang unang beses umanong halayin ni Miciano ang biktima, na nasundan pa noong Nobyembre 8, dakong 5:00 ng hapon.

Dahil din sa Facebook, natunton ng 27-anyos na kapatid ng biktima ang kinaroroonan nito, matapos matunton ang account ni Maciano.

Nagtungo pinagtatrabahuhan ni Maciano ang pamilya ng dalagita at sinabi naman ng mga ito ang address ng suspek hanggang sa mabawi ang biktima at maaresto ang suspek. (ORLY BARCALA)