Kaugnay ng APEC Leaders Summit sa susunod na linggo, nagtalaga ang Office of the Court Administrator ng skeletal force sa mga hukuman sa Metro Manila na mag-o-operate sa Nobyembre 17-20.

Sa isang-pahinang circular na pirmado ni Court Administrator Jose Midas Marquez, ang kautusan ay salig sa deklarasyon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na manatiling bukas ang mga hukuman sa nabanggit na mga araw na idineklarang walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.

Kaugnay nito, inatasan ni Marquez ang mga executive judge sa mga first at second court sa National Capital Judicial Region na maglatag ng skeleton force sa Office of the Clerk of Court.

Dapat ding magtalaga ng mga “on-call” judge na tutugon sa mahahalagang bagay sa nabanggit na mga araw. (Beth Camia)
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso