Kumpleto na ang listahan para sa Final Four ng 13th Fr., Martin Division 2 Cup makaraang pumasok ng Arellano University, Ateneo de Manila , San Beda-A at San Beda-B.

Nakakuha ng double digit outputs ang Chiefs sa kanilang mga baguhang player upang magapi ang Angeles University Foundation Great Danes, 121-85, sa kanilang homecourt sa Arellano gymnasium sa Legarda, Manila upang pormal na umusad sa semis.

Nanguna para sa Chiefs si Richard Abanes na nagposte ng 26-puntos para sa tropa ni coach Jerry Codinera.

Sumunod naman sa kanila ang Blue Eagles na pinangunahan ni Dan Wong na umiskor ng 21-puntos nang kanilang pataubin ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers, 83-62, sa labang ginanap sa Far Eastern University (FEU) gym.

Nagsalansan naman ng 17-puntos si Robert Bolick upang giyahan ang San Beda- A tungo sa 78-71 na paggapi sa AMA Computer University habang nagposte ng game-high 29-puntos si Davon Potts para sa San Beda-B upang maigupo nila ang University of Perpetual Help, 75-67.

5-anyos na batang ginilitan at winakwak ang tiyan, pumanaw na!

Samantala sa junior divison, nakausad sa finals ang Infant Jesus Academy Blue Wolves matapos makalusot sa dalawang overtimes at ungusan ang Xavier School Golden Stallions, 108-102. (Marivic Awitan)